Saturday, October 31, 2015

Bukal sa Aplaya, Bauan, aangkinin ng Aquadata?

Pahirap ang dinastiyang Dolor (na suportado ni Abu) sa bayan ng Bauan. (Hindi pa nga raw tumutugtog ang kanyang tiyuhing si Dolor, SUMASAYAW na si ABU, tuma-tumbling pa!).

Matapos ibenta nang walang malaman o mapagbatayan kung may kinita ba o wala ang munisipyo, ang serbisyo ng patubig ay monopolyado ngayon ng isang kumpanya, ang Aquadata (sino kaya ang tunay na may-ari nito?).

Mula nang mag-take over ang nsabing kumpanya sa serbisyo ng tubig sa Bauan, lumundag ng mula 100-200% ang singil nito sa tubig. Kaawa-awa ang mga retirado na datihang nakakayanan pa ang P500 buwanang bayarin na ngayon ay umaabot na sa P3,000. May mga napaulat pa na mabilis na takbo ng metro dahil maski solong consumer, lumalagpas sa minimum consumption na 10 kubiko metro kada buwan (ano yun araw-araw isang drum ang paligo at 100 litro ang iniinom?)

Marami ang nagtataka - libre ang pinagkukunan o source o bukal ng tubig sa Bauan, walang kailangang mahal na bayaran sa Estado o pribado mang supplier, dahil sagana sa tabang na tubig ang ilalim ng kalupaan ng Bauan. Ngunit tila iginigisa sa sariling mantika ang mga taga-Bauan.

May ulat pa, na ang lugar ng may akda ng lahat ng pagdurusang ito na si Hermie Dolor (dolorosa o dusa sa Latin), sa barangay Aplaya, isang bukal ng tubig na halos 200 taon na pinakikinabangan ng mga taga Aplaya at karatig lugar, malamang na sakupin na rin ng Aquadata. Ito ang Tarcina, bantog sa kanyang napakasarap at sariwang inuming tubig, himalang maski malapit sa tabing dagat, ay nananatiling tabang at masarap sa panlasa na animo'y mineral water. Bagama't maaari ngang mineralized ito at nagtataglay ng mga mineral na lubhang kailangan sa kalusugan ng tao. Maski ito HINDI PATATAWARIN ng kasakiman.

Ito ang isa sa DUSA ng bayan ng Bauan sa ilalim ng Dinastiya. Kaylan ka magigising at lalaban BAYANG TUMATANGGING MAMATAY (the Town that Refuses to Die)? Huwag mong sabihing isang dating sarhento lamang ang LULUPIG SA IYO???


1 comment:

Anonymous said...

Tama po, bilang isa sa mga residente ng bauan, ramdam ang lubhang pagtaas ng singil sa tubig sa hindi maintindihang dahilan kung bakit ganoon kalaki ang singil sa tubig, dati umaabot lang sa 300 ang bill namin kada buwan ngayon nasa 700 na mahigit ang buwanan na binabayaran namin sa tubig. Sobrang laking pahirap nito. Yung iba napilitan na lang mag patayo ng kani-kanilang tungga at magpaputol ng linya ng tubig para maiwasan ang pagbabayad sa napaka-mahal na buwanang singil. Sana mabigyan ito ng pansin ng mga nakatataas para muling maibalik sa mamamayan ng bauan ang dating mababang singil na tinatamasa ng taga-bauan.