Tuesday, October 13, 2015

Drawing the lines between Good and Evil in Batangas: The Tale of 3 candidates: a missed leader, a self-confessed politically-naïve single mom beating the odds of a well-entrenched dynasty and former in-laws, and a persistent knight against a political monster

In the next weeks and months, we will be bombarded with all sorts of political propaganda.  Candidates  will  do  everything to  win our votes, and those with personal  axes  to  grind  will  surely come  up with  all  sorts  of issues  against candidates, while the sycophants will heap empty praises  to their  candidates with an  expectation  to get favors  once their  bets  win. Realistically that is what election seasons bring about - an artificial euphoria of sorts. Then when the elections smoke is gone, we are confronted with the reality that we voted into office idiots, incompetents, corrupt and undeserving people.

As   an independent writer/observer, it is my distinct advantage of being free from any political or personal affiliations with these candidates. I can say what I want, express what I observe and give personal judgement.  Though I have also taken it as my duty as a citizen to share my thoughts. In the first place, I am a graduate of Political Science at the University of Batangas (though I have doubts that it even recognizes me as an alumnus).

Kaya maaga pa po, ibinabahagi ko na  ang sa aking palagay  ay mga  natatanging kandidato na may dalang magandang kinabukasan sa bayan:

Batangas Province


Dodo MANDANAS
Umpisahan  natin  kay dating Gob. Hermilando  “Dodo” I. Mandanas or HIM for short. Hindi Ito Magnanakaw, Hindi Ito Mamamatay-tao, and lalong Hindi Ito Magkakandili ng droga.
Kumakandidatong mag-isa (walang partido at walang bitbit na ibang kandidato), sinabi nya na mas mabuti na ang hindi makasama ng mga may bahid dungis na partido.
Hindi malilimutan ng marami ang kanyang mga programa na pinakinabangan ng libu-libong mag-aaral sa kanyang scholarship program. Maski  sa pribadong kapasidad, matagal na nagsilbi  ang kanyang Batangas Social Development Foundation (BSDF) na nakabase noon sa Aplaya, Bauan.  Dinayo ng marami ang kanyang lumang bahay sa Aplaya, kumita maski maliliit na tindahan sa mga bisita. Sa mismong Aplaya, nagpagawa sya ng mga  silid-aralan, pinakamalaking covered court, ipinaayos ang mga kalsada, nagpagawa ng sea wall, at mga medical missions.


Bilang Gobernador, pinakikinabangan pa ng Lalawigan ang mga programang pangkaunlarang kanyang nasimulan, mga development master plans na patuloy na nagpapatatag sa economic foundation ng Lalawigan. Ang mga pagawaing-bayan na nanatiling nagbibigay ginhawa   sa mga liblib   na lugar, at ang mga hinahanap-hanap na mga serbisyong medikal at panlipunan  na bukas sa lahat ng tao. (Naaalala nyo pa ang People’s Day at the Capitol  tuwing Lunes?) Maraming ang naghahanap ng ganyang pagkalinga mula sa isang puno ng lalawigan – yung lider na personal mong nakakaharap, di man magawang pagbigyan ang lahat ng kahilingan.

Ang campaign  tagline ni Ka  Dodo ay  “Walang Kurap, walang mahirap. Pag ang puno ay kurap, mamamayan maghihirap.”

Pero  marami ang may  mga saloobin laban kay  Ka Dodo, subalit  kung  pakikinggan  mukhang nagmumula sa  mga personal na pabor na hindi  napagbigyan.  Ngunit  tanungin mo, kung  may masama  bang nagawa sa bayan, wala namang maituro. 
Kung  pansarili  ko  lang, pwede ko  na ring  sabihing may  rin sama ako ng loob sa kanya. Hindi dahil may hiningi  akong hindi naibigay,  kungdi  sama   ng loob  na sya ay nagpalaki  at tumulong  sa  mga  taong  walang  utang na loob, kagaya  ni  Rep. Raneo Abu  (wala namang mararating yan kung hindi itinaya  ni Ka Dodo ang  kanyang  pangalan sa kanya). Subalit ngayon nasaan  na si  Abu  at ilang tauhan  ni Ka Dodo? Ang balita  ko pinagpaplanuhan  pang ilaglag  sya sa sariling tinubuang barangay sa Aplaya, Bauan. Bunga  ito  ng pikit  matang  pagsuporta  ni Abu  sa Dinastiyang  Dolor ng Bauan kung saan sya ay manugang sa pamangkin.

Batangas City


Kristine  BALMES
Si Maria Kristine Josefina G. Balmes, dating manugang ng puno ng Dinastiyang Dimacuha, ina ng nag-iisang anak kay Barangay Captain Dondon Dimacuha (dating Mayor at Konsehal, ngayon ay ABC President kaya ex-officio Konsehal ulit dahil patuloy na nirere-recycle ng dinastiya), pagkatapos humiwalay sa kanyang asawa at magising sa sitwasyong panlipunan at pampulitika ng Lungsod, tumakbo at nanalong Konsehal noong 2013 (ikalawang pagbabalik, dahil konsehala din sya noong masungkit ni Dondon).

Nagsisilbing de facto leader ng oposisyon, pinatunayan ang liderato sa pamamagitan ng pagsusulong ng mga pagbabago at pagkiling sa mga usaping maliwanag na taliwas sa lahat ng gusto ng dinastiya, kagaya ng pagtutol sa mga kwestyunableng paglulubog sa utang sa pamahalaang lungsod para umano sa mga proyektong kaduda-duda, mga kontratang malinaw na “disadvantageous” o argabyado  ang mamamayan gaya ng PPP sa terminal sa Balagtas, likong pamamahala (by proxy, maling priorities, may pansariling interes gaya ng EBD cards gamit ay pondo ng gobyerno, atbp), mga karahasang nagaganap sa Lungsod kabilang na ang pagpatay sa mga kalaban at kritiko ng dinastiya (personal na nakiramay at nagsalita si Kristine sa libing ni Mei Magsino, mahigpit na kritiko ni Dimacuha), mga usapin ngn pagkiling sa mga kumpanyang sumisira sa kalikasan at hindi nagbabayad ng buwis gaya ng JG Summit Petrochem at pagtatayo nito ng plantang gagamit ng uling (coal).

Tatakbo bilang Mayor, isang babae, walang masasabing 3G’s (gold, guns and gold), subalit naniniwalang ito na ang PANAHON NG PAGBABAGO.

In the guise of Private-Public Partnership (PPP), it now now turns out to be Punyetang Pamemera sa Pamamahala
Ang plataporma ni Kristine, malinaw na pagtalikod sa nakakasuka nang landas na tinahak ng Lungsod sa loob ng 28 taon – “will center on pursuing political and development reforms through the active participation of our citizen and by establishing inclusive growth. My goal is to create more jobs and offer sustainable livelihood projects for our people, help provide education to all deserving students, establish a universal health care program, more suitable for our constituents, and conceptualize a master plan that will address issues on urban planning and development. I would also like to promote a more transparent, red tape free and God-fearing government that respects the environment, natural resources and our people. Tourism will also be greatly improved. And lastly, restore the discipline, respect for others and care for humanity among our people.”

Bauan, Batangas


Former councilor and vicemayor, opposition  leader Atty. Juan “Johnny”  Magboo will make another attempt to unseat the Dolor  dynasty.

Ang kanyang ibangon ang Bauan upang MAGBOO  ng panibagong bukas sa nalugmok  na dating 1st class na  bayan ng Bauan ay isang malaking hamon. Hawak ng dinastiyang Dolor ang Bauan sa  mahigit 18 taon, na  inumpisahan ng ama na si ex-Mayor  Hermie Dolor (ngayon  ay ex-officio Bokal bilang Pangulo ng Association of Barangay Councils ng Lalawigan). Kasalukuyang nakaupo ang kanyang  anak na si Ryanh bilang mayor na nasa huling termino na.   Kaya  kagaya  ng gawain  ng alinmang dinastiya,  magre-recycle ulit ng basura, at ngayon muling lalaban   ang dynasty founder na  si  Hermie Dolor, bilang Mayor.

Johnny  MAGBOO
The Dolor dynasty is characterized by  a typical story of political abuse that  should have no place in a modern democracy.  Nakapagtatakang  ito ay  hindi napapansin ng  media gayong napakalapit lamang sa  kabihasnan. Maging mga mamamayan  ay natatakot magsalita, at mangilan-ngilan  lamang ang naglalakas-loob, kabilang  na si Johnny Magboo.

Ilan sa mga usaping matagal  na  nyang tinawag  ang pansin  ng publiko  ay ang mga sumusunod:
  • 1.    Ang pag-utang ng Pamahalaang Bayan ng P150 million sa Comnet Management Inc.
  • 2.    Ang pagsasanla sa Pamilihang Bayan sa Comnet Management Inc.
  • 3.    Ang pagsira sa plaza at pagpayag na gawing commercial building (Bauan Plaza  Hotel)  ang bahagi nito ng Comnet Management Inc.
  • 4.    Ang planong gibain ang Bauan East Central School para gawing terminal sa  pamamahala ng Comnet Management Inc.
  • 5.    Ang pagbenta ng Bauan Waterworks System sa Aquadata na nagresulta sa mataas na singil
  • 6.    Ang pagbenta sa Bauan Electric System sa First Bay Power Corp.
  • 7.    Ang 5 taon nang sinirang munisipyo na bagama’t may plano na  raw pasinayaan  (timing sa halalan) ay  kakatwa  sapagkat ang Bauan  na  isang maunlad na bayan ay natatanging walang sariling munisipyo

Bukod pa dyan  ang  maraming samut-saring isyu tulad ng laganap na patayan na halos hindi nababalita, mga alegasyon ng katiwalian sa mga transakyon ng pamahalaang bayan, alegasyon ng pagpapayaman sa sarili  (pagbili  ng rest house, bahay at mamahaling sasakyan) ng pamilya ng namumuno,  at pag-abuso  sa mga  tao  (pananakot,   pagmumura at pagtutungayaw).

Ayon  sa Commission on Audit Report na isinalin  sa wikang Filipino ni G. Chito Mandanas  (dating kaalyado  ng mga Dolor):
Ang pagkabenta Bauan Waterworks system at lahat ng mga pag-aari nito sa Aquadata Incorporated ay taliwas sa isinasaad ng Section 379 & 380 ng Republic Act 7160, at hindi ito makakabuti sa interes ng Bayan. Habang nakabinbin pa ang patakaran ng COA Head Office sa legalidad ng kontrata ng bentahan ay inerekomenda ng Audit team, na ang Mayor ng Bauan ay dapat hihingi muna ng pagsang-ayon ng COA sa bawat bentahan ng kahit anong pag-aari ng Munisipyo sa mga susunod na pagkakataon para masiguro na hindi agrabyado ang mga mamamayan, manapa'y kapakipakinabang dapat para maprotektahan ang interes at kapakanan ng mga Bauangueño.
Ang kontrata sa kasunduan sa pagitan ng Bayan ng Bauan at Comnet Management Corporation para sa pagpapaupa ng 1,734 metro kuwadrado na lupa na pag-aari ng Bauan ay lumabag sa "Section 198 of the Rules and Regulations on Supply & Property Management in the Local Government" na nakasaad sa ilalim ng "COA Circular No. 92-386" na may petsang Oktubre 20, 1992. Napag-alaman din na ang mga kundisyones na nakasaad sa kasunduan ay hindi naaayon sa interes o' kapakanan ng Bauan kung saan pwedeng may nakaambang pagkawala ng napakahalagang lupa ng Bayan na maaaring magbunga ng katampalasanan sa sambayanang Bauangueño.”

Magboo, like   Kristine, is a symbol of  CHANGE. They are both up  against  well-entrenched, powerful  and at times, violent politicians.  Ka  Dodo, meanwhile  is up against  traditional politics,  where parties  and machineries work to  place their  people  and  own   kind  and  perpetuate  a  political system that makes people powerless,  and enriches  those  in power.


AASA NA LAMANG TAYO NA ANG TAUMBAYAN,  bagama’t saklot ng takot  ay  MANININDIGAN SA BALOTA.

2 comments:

Unknown said...

Kay Ka Dodo laang ako may tanong at dapat niyang liwanagin. Maraming Batanggenyo ang nagsasabi na kaya daw hindi natuloy ang planong itayo sa lupa niya sa Ilijan na simbahan at hardin ng Birheng Maria (ni Fr. Suarez ng Taal) ay dahil nilakhan ni Ka Dodo ang halaga ng bawat metro-kwadrado. Kaya daw napalipat iyon sa Cavite sa lupa naman ng San Miguel Corp ng maysakit nuon na Cojuangco. Tunay ga kaya naman are? Salamat, Ka Bong!

Anonymous said...

Si Ka Dodo walang duda mahusay, matapat, makadyos at magaling na lider at karapat dapat maging Governor muli ng maibalik sa probinsya ang tunay na sigla ng progreso na nawala ng napaupo ang star for all season na mahilig sa advance SOP na 22%.
Si Johhny ay mabait, magaling at maasahan. Karapat dapat mahalal na punong bayan ng Bauan para maiangat muli ang dangal ng Bauan at matigil ang paghalay at pagwasak sa bayan ng Bauan.
Si Balmes ay walang pinagkaiba sa nakaupo at maaring mas matindi pa ito dahil sa taglay nyang ugali at kapit ito sa patalim matupad lng ang mataas nyang pansariling hangarin pampulitikal. Wala credential kundi dumakdak... Walang nagawa bilang isang myembro ng lehislatibo at lalong walang track record bilang isang magaling sa administratibo...Hindi sya pwede pagkatiwalaan.