Katanghalian ng Abril 13, 2015, sa Balagtas, Batangas City pinaslang sa Mei Magsino |
Ang high profile na kaso ng pagpaslang sa amamahayag na si Mei Magsino noong Abril 13, 2015, mahigit 6 na buwan na. Mistulang blank wall pa rin ang status ng kaso. Sabi ng Batangas PNP, mayroon sanang progreso kung nabigyan lang sila ng NBI ng kopya ng CCTV footage na hawak nito para ikumpara sa hawak nila. Ang NBI naman hanggang ngayon walang sinasabi, bukod sa naunang tiningnang love triangle na wala namang kinahinatnan.
Bakit ganito ang sistema ng ating law enforcement? Noong sinabi nila na iimbestigahan nila ang mga local officials na posibleng may motibo, nagawa ba nila o TAKOT SILA? Bakit kapag ang anggulong yan ang binabanggit, para silang IWAS PUSOY?
Malapit na ang halalan, hindi maiiwasang maging isang POLITICAL ISSUE ang bagay na ito - UNA, upang ipaalala sa lahat na TALAGANG MAY MGA MAMAMATAY-TAONG PULITIKO SA BATANGAS.
IKALAWA, napakahina ng ating law enforcement agencies. Tila walang kakayahan - BAKA DAPAT PALITAN SILANG LAHAT AT SA MALALAYO IDESTINO ANG MGA PULIS NA TAGA BATANGAS upang maiwasan ang PAGTATAKIP? Doon sila ipadala sa conflict areas ng Mindanao!
IKATLO, NASAAN NA ANG PANGAKO NG MALAKANYANG na reresolbahin nila ito at WALANG SISINUHIN?
NASAAN na ang mga kaibigan ni Mei na sina Gov. Vilma Santos-Recto, at ang umano'y pagtulong ng asawa nitong si Sen. Raph Recto gayong may mga kapangyarihan at impluwensya sila upang i-pressure ang mga kinauukulan na gumalaw?
NASAAN na ang matalik na kaibigan ni Mei Magsino na si Kap. Bart Blanco ng Balagtas, Batangas City kung saan pinaslang si Mei? Ngayong kandidato sya sa pagka- Bokal, ano ang kanyang masasabi sa bagay na ito? Hindi baga't malapit sya sa mga Recto, bakit di nya magawang ipaalala ang bagay na ito sa kanila?
No comments:
Post a Comment