Sunday, October 18, 2015

Si Kristine Balmes, kapamilya pa nga ba ng Dinastiya?

Ngayong malinaw  na kung sino ang kalaban ng Dinastiya na tumatayo para manindigan  at wakasan ang 28 taon ng paghahari ng iisang pamilya, marami na ang lasong ipinakakalat sa hangin upang sirain ang isang single mom na tanging naglakas-loob na pangunahan  ang laban  ng Batangueno.

Halimbawa,  kung dati raw manugang yan,  eh di  kapamilya  din pala ng nakaupo?

Mali, dahil si Kristine ay may 12 taon nang hiwalay  kay Dondon Dimacuha, at halos 10  taon nang annulled o  napawalang-bisa  ang kanilang kasal.   Samakatwid, certified single na ang future Mayor na  ito.

Ang 12 taon ay napakahaba  ng panahon  para masabi natin na halos  wala na siyang kaugnayan  sa  pamilya ng dating biyenan, maliban  sa hindi maitatangging kadugo  nila ang apo  nila kay Kristine. Si Dondon naman ay matagal nang may sariling pamilya, at ang tanging ugnayan sa anak, sa aking pagkabalita,  ay ang  pagsuporta sa  pag-aaral ng bata, at ang maalala ito sa mga okasyon ng birthday o Pasko.

Ibig sabihin lang nito,  malayo  sa  isang family affair  o away biyenan  at manugang gaya ng gustong ipang-intriga ng ilan.

Sa totoo  lang,  malayo na  sana ang narating ng karera sa pulitika ni Kristine. Alalahanin  natin na nahalal  sya na  1st o topnotcher Councilor noong 1998  (kaya nga yata niligawan agad eh baka makalaban pa?). Nasa  kanya  ang lahat ng pagkakataon para ituloy  ang kanyang paglilingkod  sa  bayan, pero nabalitaan ko  rin na pinigilan sya noon na muling kumandidato sa mga taong 2001, 2004, 2007 at 2010, at bilang respeto sa dating biyenan,  maski noong hiwalay na sila  noon pa mang May 2003, ay hindi sya  kumandidato.

Ang hamon, dahil nagtrabaho  si Kristine sa mga development organizations or NGOs,  mulat ang isipan nya sa kalagayang pampulitika kanyang sinilangang Lungsod. Kaya sa paghimok na rin ng marami, at sa pag-asang maski paano sya ay pakikinggan, kumandidato sya noong 2013. Pero ginawa syang isang “malungkot na tinig” at “reklamador”  sa Sangguniang Panglungsod. Hindi  pinapakinggan maski may batayan  ang mga isyu na  kanyang inihahayag sa konseho.
Yan na rin ang malaking dahilan na nahamon syang manindigan na at kumandidato bilang Mayor upang ituwid ang mga nakita nyang mali  sa  pamamahala sa Lungsod, kabilang na ang pagtapos sa paghahari ng dinastiya. Kung hindi nya ito gagawin,  malamang walang kalaban o un-opposed  na naman  ang dinastiya.

Kung hindi natin wawakasan ito ngayon, malamang abutin nga tayo ng 30 - 50  taon
Hindi lang usapin ng dinastiya  ang laban ni Kristine, kungdi usapin  ng kasalukuyang nakakalunos  na  kalagayan ng Lungsod na pinatatakbo ng mga hindi  halal at maaaring kaylanman ay hindi  mahalal (un-elected and un-electable)  bilang proxy ng matanda, mahina  na at may sakit na  punong lungsod.  Higit pa riyan  ang mga iregularidad  sa pamamahala  at lantarang pag-abuso  sa  kapangyarihan. 

Sino nga bang matinong tao  ang  nais mangunsinti  ng mali, maski  pa  yan  ay  dati  mong kapamilya?

Sa isang babaeng may kunsensya, at 12 taong nanahimik,  nakapagtataka  pa ba  na si Kristine ay  nagising at nakahandang tanggapin  ang hamon ng pagbabago, upang hindi  mapag-iwanan  ang Lungsod ng Batangas  sa kaunlaran, kaayusan, kapayapaan  at katarungan?


No comments: