Beverly Dimacuha-Mariňo |
The Dimacuhas have gone too low.
Adding insult to injury, the
dynastic family is fielding its only and youngest daughter, BEVERLY
DIMACUHA-MARINO as substitute candidate to the ailing Dimacuha patriarch, Eduardo.
Bagsak sa sariling commissioned
surveys sina RD at Dondon at lalo na si Vilma, at may kung sinong nagdunong-dunungang nagmungkahi na gawing
eksperimento o political guinea pig si Beverly at gamitin upang ituloy ang
dinastiya. Hindi man lang na-consider
ang sispsip ng sipsip
na si Vice Mayor Doc Jun Berberabe na sa totoo lang ay umasa sa
wala (pamangkin sya ni EBD).
Pero malamang hindi lamang ito insulto sa mga taga-Batangas City kungdi maging kay Beverly
dahil obviously bukod sa hindi na
makapag-isip dahil nasa state of political panic na ang pamilya, isusubo nila
ang kanilang bunsong unica hija
sa isang labang siguradong magpapagulo sa tahimik nyang buhay. Siguradong pag-uusapan ang pagiging asawa nya ni Marvey Mariňo
na kandidatong congressman at lilitaw na sugapa na sila sa kapangyarihan dahil mag-asawahan na ang gustong komontrol sa syudad.
Pag-uusapan rin ang mga negosyong si Beverly ang namamahala, kasama na ang Shell
gas stations na kung magbenta ng gasolina
at krudo ay wagas – mas mataas ng hanggang 5
piso kada litro kumpara sa mga
gas stations sa mga kapit-bayan.
BAD Mariňo |
Malaking insulto na nga ang
pagsasamantala nila sa pagkalikha ng isang bagong congressional district para
sa Lungsod sa pagtakbo ng manugang na si Marvey Mariňo, heto at naghain sila sa atin ng isang WALANG
KAKAYAHAN at WALANG KWALIPIKASYON maliban sa kanyang pagiging anak ng
dinastiya.
Yan ang sakit ng mga dinastiyang pulitikal –
kapit tuko, manhid sa damdamin ng bayan, at gahaman sa kapangyarihan. Ang mga
taga-Batangas City ay dapat nang mag-isip nang mas malalim. Totoong makwarta ang dinastiya at gamit pa ang bentahe ng kontrol
nila sa kaban ng bayan, subalit ang lahat ng iyan ay mababale-wala kung
TAYO AY MANININDIGAN.
Huwag tanggihan ang mga suhol dahil galing din yan
sa kaban ng bayan, subalit tahimik na
manindigan. Kailangan na ang pagbabago. Binabastos na tayo, matagal na,
MAGISING NA TAYO. Sa dinami-dami ng mahuhusay
na Batangueno bakit kailangang SILA AT SILA NA LAMANG?
Ang boto natin sa pagbabago sa susunod na taon ay HINDI LAMANG PARA SA SA
SARILI NATIN kungdi PARA SA MGA ANAK NATIN.
Ipamana natin sa kanila ang isang pamahalaang kumakatawan sa tunay na
mitihiin ng Batangueno. Maging bahagi tayo ng kasaysayan ng pagbabago. TAYO NA
SA BAGONG BATANGAS!
No comments:
Post a Comment