Wednesday, March 30, 2016

Bauan’s continuing saga: Will it be the Achilles heel of Dodo Mandanas?

Marami ang nakakaalam na may kakaibang pulitika sa Bauan. Naging isa na itong political dynasty ng may 18 taon, kung saan ang dating kaalyado (tinulungan nang matagal na panahon noong talunan pa) na pamilya ni Hermie Dolor ay lantarang dumidiskampanya kay Governor Dodo Mandanas, taal na anak ng Aplaya, Bauan.


Maging ang “anointed successor” ni Ka Dodo sa pagka-congressman na si Raneo Abu, manugang sa pamangkin ni Dolor ay matagal nang hindi sumusuporta sa nagpalaki sa kanya na si Ka Dodo. Marami ang hindi magandang salitang binibitiwan nya laban kay Ka Dodo sa mga staff at nakakausap nya. Maaalalang si Abu ay dating staff ni Ka Dodo sa kapitolyo hanggang sa kongreso. May mga alingasngas pa nga na si Abu ang humaharap sa mga kontratista ng mga pet projects ni Ka Dodo, kung saan ipinakikilala nya ang sarili bilang Chief of Staff ng dating kongresista at balitang nangungumisyon, pero makailang beses na inihayag, ayon sa aking mapagkakatiwalaang source, na napunta kay Mandanas ang mga ito.

Hermie Dolor
Ngayon na muling naglalaban sina Atty. Johnny Magboo at Dolor, kung saan pangita ang lakas ng oposisyon sa Bauan, inasahan ng marami na maski kumakandidatong independent si Ka Dodo ay papanig na sya sa oposisyon. Subalit naging matigas ang kanyang paninindigan na wala syang papanigan.

Si Achilles sa Greek mythology ay isang halos perpektong mandirigma. Ang kanyang lakas ay katumbas ng isang hukbo na gaya ng lakas ni Ka Dodo sa pulitika sa Batangas mula nang sya ay manalo bilang Gobernador noong 1995 at hindi pa natalo. Subalit si Achilles ay may isang kahinaan at iyon ay sa kanyang “heel” o sakong. Nang malaman ito ng kanyang mga kaaaway, iyon ang pinuntirya at nagawa nilang patayin si Achilles.


Sa Bauan, matindi ang mga patayan, panggigipit sa kritiko, pagwasak sa mga mahahalagang “heritage” edifice gaya ng munisipyo at municipal plaza, balak gibaing daang taon na Bauan East Central School, pagbebenta ng mga public utilities gaya ng supply ng kuryente at tubig na nagresulta sa mataas na singil, at korupsyon. Naghanap ng kalinga ang oposisyon kay Ka Dodo, subalit sila ay nabigo.

Lantarang dinadala nina Dolor at Abu si Mark Leviste (kampo nina Recto at Roxas) na kalaban ni Mandanas. Kamakailan, nilapitan na rin ni Dong Mendoza (kampo ni Poe) ang oposisyon na naging dahilan ng kanilang pagsasama. Ngayon ay ikakampanya nina Johnny Magboo si Mendoza sa pagka-gobernador.

Ano ang epekto nito sa pulitika sa Bauan?

1.       Wala kay Mandanas – mananatiling malakas si Mandanas sa Bauan kung saan tinitingala sya bilang natatanging anak ng Bauan. Sa aking pananaw, nakabuo na si Mandanas ng isang personality cult sa Bauan kung hindi man sa buong Batangas, na parang isang “infallible politician” na di maaaring magkamali maski marami ang naguguluhan sa ilan nyang desisyon. Maaaring ang imahe nyang hindi corrupt ang isang magnetic shield nya sa lahat ng isyu.

SSi Vice President Jojo Binay na may ugat sa Bauan ay maaaring i-endorso ni Mandanas. Sa Bauan, lalo itong magpapalakas sa kanya, subalit hindi natin masabi sa buong lalawigan sa harap ng isang personality cult na nabuo naman ni Rody Duterte, ang lumilitaw na pinaka-popular na kandidato sa pagka-Pangulo sa Batangas kung social media ang susukatin.

SSubalit hindi natin masabi na kung magsalita na si Mandanas ng pabor kay Binay ay maaaring magbago ang ihip ng hangin sa argumentong “iba ang sariing atin.”

2.       Kawalan kina Dolor at Abu – ang lantarang paninira kay Mandanas ay kawalan nila sapagkat nagpapakita ito ng kawalan ng pagtanaw ng utang na loob, isang mataas na uri ng katangian ng mga Batanggenyo.

3.       Wala kay Magboo – mananatili ang moral ascendancy ni Magboo bilang isang tunay na oposisyon sa Bauan. Ang kanyang pagdadala sa kampo nina Mendoza at Poe ay isang plus factor, dahil sa popularity ni Poe sa kabataan. Alam naman ng marami na mataas ang respeto ni Magboo kay Mandanas kaya mauunawaan nila ang kanyang pag-endorso sa ibang kandidato dahil kay Mandanas naman nagmula ang pasyang walang i-endorso sa pagka-Mayor sa Bauan.

The unfolding political development in Bauan s worth watching.


Sunday, March 27, 2016

Now it can be told: Kristine Balmes is winning, hands down

Mananalo si Kristine Balmes. This is my fearless forecast, based on many grounds:

Isang lumang larawan ng bata at malakas pang si EBD
ang ginagamit para linlangin ang publiko na si BADM ay totoong
pinili ng ama para lumaban sa pagka-mayor
1.       The Dimacuha family is politically hostage by a military strategist in the person of its own son-in-law, Marvey Mariño. Sabi ng aking un-impeachable source, kung nagulat ang maraming lider ng mga Dimacuha sa biglang pag-switch kay EBD ni Beverly Abaya Dimacuha-Mariño (BADM), maski raw si Eddie Dimacuha ay mukhang nagulat, at napaiyak pa kung paano nagkaganon (mukhang pina-oo raw ang may malubhang sakit na matanda noong panahong wala syang kakayahang magpasya ng matino or tinatawag na non-lucid moments).

My mole told me that Marvey Mariño assured the family that he will protect them against feared deluge of criminal and administrative cases as soon as EBD’s term ends. In this way, Mariño has gained the upper hand, albeit, domination of family decisions. Kaya sya ang nasunod nang ipagdiinang si Beverly ang humalili sa ama sa pagtakbo sa pagka-Mayor, even knowing fully well that the wife is the most unqualified, if not the worst alternative. “Sinisiguro lang ni Marvey na maski matalo sya, mayor pa rin ang asawa nya at malaki ang say nya sa pulitika sa Lungsod,” bulong pa ng aking source.

Mukhang naisahan ang marami, at pag nalaman ito ng mga nagmamahal sa matanda, siguradong mag-iisip at lilipat ang suporta kay KB.

In the first place, maski naiirita ako, malambot si KB sa ex-byenang lalaki at nananatiling mataas ang respeto (uulitin ko, sa ex-byenang lalaki). Sabi nya noon sa akin, eh mabait daw naman at maasikaso si EBD sa apo nya kay KB, mas mabait pa keysa sa ama, hehehe).

2.       The falling out between the Dimacuha family and Philip Baroja is for real. Hindi ito palabas. Bagama’t  nananatiling loyal si Philip kay EBD, tinalikuran na nya ang ibang Dimacuha. Kaya pala nagresign si Ipe at nagpasyang tumakbo (may blessing syempre ni Palos), ay pinagsabihan sya ni Marvey na ‘HINDI NA NAMIN KAILANGAN ANG SERBISYO MO!” Aba nga naman, matapos ang 22 taon, ganun na lang yun? Paano nga ay may sakit na ang matanda at hindi na alam ang ngyayari.

Nag-umpisa pala sa ganito ang kwento: (1) Itong si Ipe nung tumatanggi na ang pamilya na magbigay impormasyon ukol sa karamdaman ng matanda ay nakahalata na malubha nga. Kaya nagsabi sya na malamang ito ang pinakamagandang timing para sa graceful exit ng mga Dimacuha sa pulitika. Magbigay-daan muna sa iba, magpaalam at sa ganun magiging maganda ang transfer of power. Syempre nagpanting ang tenga ng RD, ang sarap kayang maging proxy mayor!

(2) Matindi ang pagtatalo nina Ipe, RD at Deguito (clown city legal officer) dahil sa 21 pamilyang taga sitio Ferry na gustong ipa-demolish ni RD. Maaalalang si Ipe ang nangasiwa sa relocation ng may 3,500 pamilya sa Sta. Clara para bigyang-daan ang Batangas International Port project). Ang kay Ipe, maski 1 pamilya lang, hindi dapat magmukhang nang-aapi ang pamahalaan at kailangang bigyan sila ng matinong relokasyon. Hindi pabor si RD dyan, at syempre, second the motion ang walang sariling opinyon na legal officer. Again, walang alam ang matanda dito, at nakumpirma ito noong sumugod sa kanya ang mga taga-Ferry at nagsabing “walang magaganap na demolisyon.” Subalit ilang araw ang makalipas, nasa sitio Ferry si Deguito at nagsabing “wala nang magagawa” ang mga apektado kungdi umalis at kung hindi ay sapilitan silang ipapa-demolish ng city hall. (See how RD lords it over without his dad’s knowledge?)

Strong direct and subliminal message of the Church
3.       Suportado ng Simbahang Katoliko si Kristine. Kung hindi nyo halata, eh kayo laang ang hindi nakakahalata. Pwede yang itanggi ng Simbahan pero ang sagot ko ay “please don’t lie to me, hehehe.”

Hindi ko ito minamasama, sa halip ay lubhang paghanga ang masasabi ko na never in the 28-year history of the Dimacuha dynasty has the Church shown its resolve to call for “total change and new leaders” until now.  Kahanga-hanga. Sabagay kung si Archbishop Ramon Arguelles ay kinasisindakan sa kanyang bold and strong political statements against national officials, hindi kataka-takang sa sariling bakuran nya ay kasindakan ang kanyang matibay na paninindigan. It’s about time that the Church should stop waltzing with corrupt leaders!

4.       Kristine is the only choice and alternative. Lahat ng ayaw sa dynasty, automatic sa kanya (gaya ko). Lahat ng nagmamahal kay Eddie Dimacuha, dapat sa kanya, dahil minamanipula na sya ng manugang nya. Ginagamit rin lamang sya ng anak nyang si RD para maging panginoon sa lungsod, habang binabalahura nya ang lahat ng maganda (meron din at marami naman) na nagawa ng ama nya. Lahat ng empleyado ng city hall na hindi na masikmura ang sistemang inilagay ni RD at Marvey, palihim na suportado si Kristine. Lahat ng kandidato sa pagka-congressman, maliban kay Marvey, ay suportado si Kristine, kaya tama ang desisyon nya na WALA SYANG INI-ENDORSONG CONGRESSIONAL CANDIDATE, maski mabilis na nasunggaban ni Nani Perez ang kamay nya at naitaas sabay selfie.

Totoo, nandyan ang pandaraya, ang pangha-harass sa mga supporters ni Kristine, pananakot at pananakit. Nandyan ang lantarang panunuhol at pamimili ng boto. Pero walang panama yan sa nagpupuyos na galit ng tao. May hangganan ang lahat sa Mayo 9, 2016.

Wag maniwala na maski manalo ay hindi pauupuin si Kristine. Hindi talaga uupo yan, dahil TATAYO yan para sa bayan. Sino ga naman areng si Marvey para mas maging makapangyarihan sa sagradong boto ng bayan at sa batas ng Republika? Eh di sa kangkungan yan pinulot pag gumawa ng labag sa batas sa sandaling hindi nya tanggapin ang hatol ng  bayan.
The Author with KB, March 27, 2016


So the situation in Batangas City is ripe for Kristine to be the next City Mayor. She may not be perfect, she may have flaws and weaknesses, but SHE remains to be the best and only alternative.