Mananalo si Kristine Balmes.
This is my fearless forecast, based on many grounds:
Isang lumang larawan ng bata at malakas pang si EBD ang ginagamit para linlangin ang publiko na si BADM ay totoong pinili ng ama para lumaban sa pagka-mayor |
1.
The Dimacuha family is politically hostage by a military strategist in the
person of its own son-in-law, Marvey Mariño. Sabi ng aking un-impeachable
source, kung nagulat ang maraming lider ng mga Dimacuha sa biglang pag-switch
kay EBD ni Beverly Abaya Dimacuha-Mariño (BADM), maski raw si Eddie Dimacuha ay
mukhang nagulat, at napaiyak pa kung paano nagkaganon (mukhang pina-oo raw ang
may malubhang sakit na matanda noong panahong wala syang kakayahang magpasya ng
matino or tinatawag na non-lucid moments).
My mole told me that Marvey Mariño assured the family that he will protect
them against feared deluge of criminal and administrative cases as soon as EBD’s
term ends. In this way, Mariño has gained the upper hand, albeit, domination of
family decisions. Kaya sya ang nasunod nang ipagdiinang si Beverly ang humalili
sa ama sa pagtakbo sa pagka-Mayor, even knowing fully well that the wife is the
most unqualified, if not the worst alternative. “Sinisiguro lang ni Marvey na
maski matalo sya, mayor pa rin ang asawa nya at malaki ang say nya sa pulitika
sa Lungsod,” bulong pa ng aking source.
Mukhang naisahan ang marami, at pag nalaman ito ng mga nagmamahal sa
matanda, siguradong mag-iisip at lilipat ang suporta kay KB.
In the first place, maski naiirita ako, malambot si KB sa ex-byenang lalaki
at nananatiling mataas ang respeto (uulitin ko, sa ex-byenang lalaki). Sabi nya
noon sa akin, eh mabait daw naman at maasikaso si EBD sa apo nya kay KB, mas
mabait pa keysa sa ama, hehehe).
2.
The falling out between the Dimacuha family and Philip Baroja is for real.
Hindi ito palabas. Bagama’t nananatiling
loyal si Philip kay EBD, tinalikuran na nya ang ibang Dimacuha. Kaya pala
nagresign si Ipe at nagpasyang tumakbo (may blessing syempre ni Palos), ay pinagsabihan
sya ni Marvey na ‘HINDI NA NAMIN KAILANGAN ANG SERBISYO MO!” Aba nga naman,
matapos ang 22 taon, ganun na lang yun? Paano nga ay may sakit na ang matanda
at hindi na alam ang ngyayari.
Nag-umpisa pala sa ganito ang kwento: (1) Itong si Ipe nung tumatanggi na
ang pamilya na magbigay impormasyon ukol sa karamdaman ng matanda ay nakahalata
na malubha nga. Kaya nagsabi sya na malamang ito ang pinakamagandang timing
para sa graceful exit ng mga Dimacuha sa pulitika. Magbigay-daan muna sa iba,
magpaalam at sa ganun magiging maganda ang transfer of power. Syempre
nagpanting ang tenga ng RD, ang sarap kayang maging proxy mayor!
(2) Matindi ang pagtatalo nina Ipe, RD at Deguito (clown city legal
officer) dahil sa 21 pamilyang taga sitio Ferry na gustong ipa-demolish ni RD.
Maaalalang si Ipe ang nangasiwa sa relocation ng may 3,500 pamilya sa Sta.
Clara para bigyang-daan ang Batangas International Port project). Ang kay Ipe,
maski 1 pamilya lang, hindi dapat magmukhang nang-aapi ang pamahalaan at
kailangang bigyan sila ng matinong relokasyon. Hindi pabor si RD dyan, at
syempre, second the motion ang walang sariling opinyon na legal officer. Again,
walang alam ang matanda dito, at nakumpirma ito noong sumugod sa kanya ang mga
taga-Ferry at nagsabing “walang magaganap na demolisyon.” Subalit ilang araw
ang makalipas, nasa sitio Ferry si Deguito at nagsabing “wala nang magagawa”
ang mga apektado kungdi umalis at kung hindi ay sapilitan silang ipapa-demolish
ng city hall. (See how RD lords it over without his dad’s knowledge?)
Strong direct and subliminal message of the Church |
3.
Suportado ng Simbahang Katoliko si Kristine. Kung hindi nyo halata, eh kayo
laang ang hindi nakakahalata. Pwede yang itanggi ng Simbahan pero ang sagot ko
ay “please don’t lie to me, hehehe.”
Hindi ko ito minamasama, sa halip ay lubhang paghanga ang masasabi ko na
never in the 28-year history of the Dimacuha dynasty has the Church shown its
resolve to call for “total change and new leaders” until now. Kahanga-hanga. Sabagay kung si Archbishop
Ramon Arguelles ay kinasisindakan sa kanyang bold and strong political
statements against national officials, hindi kataka-takang sa sariling bakuran
nya ay kasindakan ang kanyang matibay na paninindigan. It’s about time that the
Church should stop waltzing with corrupt leaders!
4.
Kristine is the only choice and alternative. Lahat ng ayaw sa dynasty,
automatic sa kanya (gaya ko). Lahat ng nagmamahal kay Eddie Dimacuha, dapat sa
kanya, dahil minamanipula na sya ng manugang nya. Ginagamit rin lamang sya ng
anak nyang si RD para maging panginoon sa lungsod, habang binabalahura nya ang
lahat ng maganda (meron din at marami naman) na nagawa ng ama nya. Lahat ng
empleyado ng city hall na hindi na masikmura ang sistemang inilagay ni RD at
Marvey, palihim na suportado si Kristine. Lahat ng kandidato sa
pagka-congressman, maliban kay Marvey, ay suportado si Kristine, kaya tama ang
desisyon nya na WALA SYANG INI-ENDORSONG CONGRESSIONAL CANDIDATE, maski mabilis
na nasunggaban ni Nani Perez ang kamay nya at naitaas sabay selfie.
Totoo, nandyan ang pandaraya, ang pangha-harass sa mga supporters ni
Kristine, pananakot at pananakit. Nandyan ang lantarang panunuhol at pamimili
ng boto. Pero walang panama yan sa nagpupuyos na galit ng tao. May hangganan
ang lahat sa Mayo 9, 2016.
Wag maniwala na maski manalo ay hindi pauupuin si Kristine. Hindi talaga
uupo yan, dahil TATAYO yan para sa bayan. Sino ga naman areng si Marvey para
mas maging makapangyarihan sa sagradong boto ng bayan at sa batas ng Republika?
Eh di sa kangkungan yan pinulot pag gumawa ng labag sa batas sa sandaling hindi
nya tanggapin ang hatol ng bayan.
The Author with KB, March 27, 2016 |
So the situation in
Batangas City is ripe for Kristine to be the next City Mayor. She may not be
perfect, she may have flaws and weaknesses, but SHE remains to be the best and
only alternative.
No comments:
Post a Comment