Kristine is endorsed by Vice Mayor Jun Berberabe |
When would-be Mayor Kristine Balmes turned 41 last Sunday, April 24, I was thinking of writing about her coming of age - at such a young age, she will be our new Mayor, no doubt about it.
But then I saw the picture of Vice Mayor Doc Jun Berberabe raising her hand which is a manifestation of his belated support, and I thought of changing my topic to "the coming to senses of Doc Jun."
I am not angry with Doc Jun. I do not personally know him, my interactions with him were limited to hi and hello, but I have always argued that he should have openly supported Kristine earlier on that is why my immediate comment was "huli man at magaling, pwede na rin."
But before jumping for joy because he is finally supporting our cause, let us first try to dissect his motives:
1. Ang pagsuporta kay KB ay mangangahulugan ng mas maraming boto para sa kanya. Hindi nya ito kailangan dahil sigurado na ang panalo nya maski isang boto lang dahil iisa syang kandidato sa pagka-vice mayor. Subalit ang maraming bilang ng boto ay magiging basehan para sa susunod na halalan, lalo na kung mas mataas na di hamak sa boto ni Kristine.
2. Sa isang banda, dahil mabait daw naman talaga si Doc Jun, sabihin nating bukal sa loob ang kanyang pagsuporta. So be it, pero sa ganang akin, wag na rin natin syang bigyan ng maraming boto, tutal ay panalo na.
3. Sa lahat ng ito, si Danilo Berberabe o Danber ang makikinabang dahil ang suporta ng mga Berberabe kay KB ay magpapalambot sa mga hard core anti-dynasty. Sa totoo, marami akong nadidinig na mas lamang pa si Danber sa survey keysa kay Marvey Mariño.
FB meme from Mikoy Abaya |
This election will be the most expensive and most humiliating defeat for the Dimacuhas and Mariños. Sobra na ang paggastos at lantarang pamimili nila ng boto, na sinasamantala naman ng marami, subalit palihim silang nililibak dahil sa wakas "nakakaganti" na sila. Bumabaha ng pera at Mariño Privilege Cards sa lahat ng dako sa Batangas City pero ano pa at pabagsak naman ang survey rating nilang mag-asawa ni Beverly (BADM). Sa Sta. Rita nga, bumagsak pa sila sa ikaapat na pwesto. Kaya asahang ang tig-P300 ipit sa privilege card ay tataas pa.
Red Team |
What is there with Kristine that she has become a rallying point against the 28-year rule of the Dimacuha dynasty? Palagay ko simple lang - unassailable ang character nya - wala kang maipupula. Matalino, magaling magsalita, may kakayahan, may paninindigan (at noon pa nya yan ipinapakita), may pangitain o vision para sa bayan, at higit sa lahat, may konek (charm) sa tao.
If I were the Dimacuhas, I will take the belated graceful exit by withdrawing the candidacy of Beverly for Mayor. Si Mariño? Bahala na si batman, talo rin yan