Thursday, April 21, 2016

Panalo si Kristine Balmes; Mariño is Batangas City’s biggest heist, Part 3

Note: A heist is a robbery from an institution such as a bank or a museum, or any robbery in which there is a large haul of loot. But for purposes of this discussion, heist also means the biggest robbery of power (an inside job in the Dimacuha household).

Saan man magpunta, maraming tao ang dumadalo upang marinig nila ang tinig ng bagong Mayora ng Batangas City

 Sa naunang bahagi, inihayag ko na sinasamantala at ginagamit ni Marvey Mariño ang political stock ni EBD, at ngayon ay tila solong nagdidikta sa pamilyang kanyang sinampidan. Ideya nya ang pagpapatakbo sa asawang si Beverly Abaya Dimacuha- Mariño (BADM) kasabay ng pagtakbo nya bilang kongresista ng Lungsod ng Batangas. Maliwanag na hindi lamang karaniwang political dynasty ang hangad nya kungdi ganap na pagkontrol sa Lungsod. Sinusubukang isuot ni Mariño ang sombrero ng may sakit na biyenan at higitan pa ito, kaya hindi malayo ang pangamba ng marami, nagbabalak maghari ang sampid!

Subalit malaking kabiguan ang kanyang kinakaharap. Bukod sa malayo na ang agwat ni Kristine Balmes sa kanyang katunggaling si BADM, hindi rin sigurado si Mariño na mananalo sya. Ito ang dahilan ng kanyang mga desperadong pagkilos nitong mga nakaraang araw.

Solo nyang pinapalakad ang kampanya, kasabay ng pagdidikta sa pamamahala sa Lungsod, sa pamamagitan ng stooge na bayaw nyang si Reginald Dimacuha. Sa loob din ng linggong ito, napag-alaman natin na isa na namang palpak na dokumento ang pinapirmahan nila sa imbalidong mayor – ang pagsasampa ng reklamo sa Bureau of Local Government Finance (BLGF) laban kay City Treasurer Marites Geron. Maaaring di sinadya o sinadya dahil may mensaheng nakatago sa reklamo, hiniling ni EBD sa BLGF ba “alisin” si Mrs. Geron sa Batangas City dahil sa tahasang pagtanggi na mag-isyu ng sertipikasyon na nagsasabing ang uutanging P 1 Bilyon (akda rin ni Mariño) ay gagamitin para sa pagpapatayo ng 3rd Bridge sa Calumpang (na bubura sa may 30 kabahayan sa Ferry).

Ang pagtanggi ni Mrs. Geron ay bunsod ng katotohanang may isinampang kaso sina incoming Congressman Lito Bisa at G. Jacob Alforque laban kay EBD at iba pang kasabwat sa maling proseso ng pag-aaply ng utang sa Land Bank, at ang naunang pagpapa-bid sa proyektong saklaw dapat ng uutangin, maski labag sa batas dahil wala pang pondo. Mariño’s heist of robbing people of their ability to rationalize and exercise their legal duties.

Sino ba si Marites Geron? Sya ay maybahay ni Immigration Commissioner Ronaldo “Ronnie” Geron. Taal na taga-Lungsod ng Batangas si Marites (taga Pallocan ang ina, at sa Calicanto ang ama), at ninong nila si EBD sa kasal noong 1992.

Bukod sa naging dating Bokal (1995-1998) at Provincial Administrator (2004-2007) ng Batangas si Ronnie Geron, kasama na nya si EBD noon pang 1988 sa unang pagkakataong naupo si EBD bilang Mayor. Si Ronnie rin ang campaign manager ni EBD noong 1992.

Si Marites ay appointee ng Secretary of Finance. Nag-umpisang OIC Treasurer noong 2005, and permanently appointed in 2006.  Nasa City Treasurer's Office na sya noon pang 1985 o naglingkod sa syudad ng may 30 taon. Pero gustong palayasin?

Ano ang tinutumbok ko? Na ang sampid na si Mariño ay mistulang anay sa pamilya Dimacuha. Malinaw na wala sa wisyo ang alkalde at hindi nya nalalaman na kasama na sa tinatalo ngayon ng manugang ang maybahay ng kanyang paboritong inaanak. Sabagay, makakatagpo sya ng katapat kay Comm. Geron! Another case of heist of goodwill and familial affection.

Pero dahil isang sundalo si Mariño, mahusay sya sa psywar. Alam nya ang tagumpay ng biyenan na gawing mamalimos o mendicants ang mahihirap na Batangueño. Kaya ang ipinamimigay nya ngayon ay Privilege Cards na mukhang credit card kung saan nakatatak ang mukha at pangalan nya, at pinapaniwala ang mga mangmang na tumatanggap na ito ay magbibigay sa kanila ng benepisyo sa kalusugan, scholarship at iba pang ayuda. Ginamit ni Mariño ang makabagong teknolohiya sa plastic card with magnetic strip, may dinagdag pang “serial numbers” na kung hindi raw sya ang iboboto ay mababasa ito ng card at mababalewala ito. Anak ng…! Ngayon lang ako nakakita ng ganitong lantarang panloloko. Another heist, a robbery of people’s intelligence.


Sa kabila nito, patuloy rin ang propaganda machine para ipagdiinang maski imbalido na ay may mga proyekto pa rin si EBD. Bukas, ilulunsad ang proyektong patitulo sa lupa ng Land Registration Authority (LRA) at pa-epal dito sina Beverly at Marvey. Pinalalabas na programa ito ng Lungsod. At dahil sa Hotel Pontefino ito gagawin bukas, Abril 22, gagastos ang city hall, samantalang atrasado ang sweldo ng mga empleyado para sa Abril 15.  Another heist, sobrang epal at sinungaling para nakawan tayo ng katotohanan!

No comments: