Tuesday, April 5, 2016

Mananalo si Kristine Balmes, Part 2

Sa unang bahagi sinabi ko na mananalo si Kristine Balmes bilang bagong City Mayor ng Batangas City dahil sa (1) dami ng nakakaalam na hindi na si Eddie Dimacuha ang nagpapasya para sa kanyang pamilya dahil kontrolado na ito ng manugang na si Marvey Mariño na mistulang hayuk na hayok sa kapangyarihan kaya seniguro na silang mag-asawa ni Beverly ang kokontrol sa siyudad; (2) may nagkukumpirma ng sikretong ito sa publiko sa katauhan ni Philip Baroja, 22 taong alalay ni EBD; (3) 4 sa limang kandidato sa pagka-congressman ay dala si Kristine, maliban kay Marvey na sarili ang dala; at (4) ang malakas na suporta ng Simbahang Katoliko kay Kristine na hindi pa nangyari sa lokal na halalan.

Sa aking pagpapatuloy, napag-alaman ko na ang totoo palang may akda ng pag-utang ng P 1 Bilyon sa Land Bank ay pakana rin ni Marvey Mariño, at sa kung anong bato-balani ay sunod-sunuran sa kanya si Reginald Dimacuha o RD na syang proxy mayor ng ama (tagapirma o tagapagpapirma sa ama). Maraming haka-haka kung bakit uutang ng ganyan kalaking halaga, gayong kung siningil lamang ang Keilco at JG Summit sa kanilang mga utang sa buwis ay higit pa riyan ang halagang makukolekta ng Lungsod.

Bakit kailangang umutang kung hindi naman kailangan? Maaaring binalak ng may-akda ng pag-utang na magkaroon ng limpak na cash upang gamitin sa halalang ito. Hindi na sana nagalaw ang kanilang naisantabing P .5 bilyon, na ngayon ay syang ipinanghahambalos kaliwa’t kanan para bilhin ang boto ng mga Batanggenyo.

Muling ginagamit ni Marvey Mariño ang “political capital and stock” ni EBD upang ipanalo ang sarili bilang congressman at si Beverly sa pagka-Mayor. Nauna ko nang isiniwalat batay sa isang mapagkakatiwalaang source na wala sa katinuan nung igiit ni Marvey na si Beverly ang humalili sa amang may malubhang sakit. Nakakapag-isip na kung bakit ang isang napakatalino at tusong si EBD, sampu ng kanyang pamilya ay naisahan ng isang dayo.

Isang “phenomenon” si EBD sa pulitika. Tumagal sya ng higit pa kay Marcos (20 taon) samantalang si EBD ay 28 taon. Nagawa nyang pakainin sa kanyang palad at gawing mga mamalimos (mendicants) ang maraming Batanggenyo; at sumampalataya ang mga elite (mga Pastor, etc) at middle class sa kanya. Nagawa nyang palakihin ang kabuhayan ng kanyang pamilya, mamimili ng maraming ari-arian at itago ito sa pangalan ng iba’t ibang kamag-anak, kasambahay, alalay, at mga karelasyon, ayon sa aking isa pang source. Sa kabila ng mga balitang maraming empleyada ng city hall ang hindi nya pinatawad, nanatili siyang tinitingala, iginagalang o kaya ay kinasisindakan ng napakarami. Sa kabila ng maraming isyu laban sa kanya, tila madali syang napapatawad ng mga tao. Sa katunayan, kung hindi sya napalitan ni Beverly, aani talaga ng boto mula sa “talagang Dimacuha ang palaging ibinoboto ng pamilya namin” na mga taong sa hindi maipaliwanag na dahilan ay sumasamba na sa kanya.

Ginamit ni EBD ang napakalaking resources ng syudad para ipamarali sa tao na sa kanya galing ang mga programa sa kalusugan (EBD Cards), ayuda sa pag-aaral (EBD scholarships), at mga serbisyong panlipunan gaya ng Barangay Action Team, mga pagawaing-bayan na ipinangalan nya sa sarili gaya ng mga EBD Type School Buildings, atbp. Isang systematic EBDism ang kanyang ibinaon sa kaisipan ng mga mamamayan dahil saang sulok ka man tumingin, puro EBD ang pangalan ng mga bagay na natatatanggap sa gobyerno, kasama na ang medalya ng pinakamatatalinong batang nagsisipagtapos sa pag-aaral. Si EBD para sa maraming kabataan ay tila isang permanenteng kagamitan (fixture) sa city hall. EBD has become synonymous to Batangas City that his name is imprinted even bigger than the name of the city.

He knew everything that was going on in his city, no exemption. He knew who among the businessmen were raking in money and knew how to make them bow to his wishes. He knew too well the weaknesses of his enemies that he could force them to bow down before him (remember Wawing Chavez and Flor de Loyola?)

Ailing Dimacuha
But that was before he became very sick. Ngayong may karamdaman na sya, isang oportunistang manugang naman ang nagsisikap na isuot ang sombrero ni EBD. Isang manugang na inaaakalang maloloko nya ang  mga Batanggenyo at tatanggapin na lamang ang kanyang mga mainobra at manipulasyon. Isang oportunista na kung makakapwesto ay siguradong babaguhin ang lungsod sa hindi maganda.

Sabi ng aking source, kung mananalo si Beverly, lalo na kung pati si Mariño, uunahin nilang i-overhaul ang city hall. Lahat ng department heads ay papalitan. Maraming empleyado ang isa-shuffle at maglalagay siya ng mga taong tOn the pretext of RD’s unpopularity, even him will be axed. He will run the affairs of the city, in full control, since the wife cannot say no to him.
apat at sunod-sunuran sa kanya.

Ang kaso, nangangarap sya ng gising dahil pareho silang matatalo. Mauubos ang kanilang pondo, pero hindi na nila maloloko ang tao.

As regards EBD, either you hate or love him. But he is finished. History will tell us whether his phenomenon is something we should be proud or ashamed of.



No comments: