Showing posts with label Dolor Dynasty. Show all posts
Showing posts with label Dolor Dynasty. Show all posts

Tuesday, December 1, 2015

Bumangon ka Bayan ng Bauan

SA BAUAN LAANG (ONLY IN BAUAN)!  -    (copied from FB post of Chito Mandanas, Nov. 30, 2015)
Anong Bayan sa buong Bansa o' maging sa buong mundo na walang Municipal Hall nang mahabang panahon? Inumpisahang ipagawa noong Hulyo 2015 makalipas ang halos 5 taon dahil malapit na ang eleksiyon ngunit mabagal pa sa lakad ng pagong ang gawaan.
Anong Bayan ang may naturingang Pambayang Ospital ( Bauan General Hospital formerly Bauan Community Hospital a. k. a. MEDICARE) pero kapag kakontra ng Mayor sa pulitika ang hihingi ng tulong ay pinagkakaitan?
Anong Bayan sa buong mundo na ang Ambulansiya ng pampublikong ospital ay sa garahe ng bahay ng Mayor nakatambay sa halip na sa mismong compound ng ospital?
Anong Bayan sa buong Pilipinas na may Technical High School para sana sa lahat ng mga matatalinong bata pero walang kakayahang pinansiyal ngunit ang nangyayari ay pagkakontra ka nila sa pulitika, lumuha ka man ng dugo ay hindi tatanggapin ang matalino mong anak?
Anong Bayan sa buong mundo na walang Liwasan o' Plaza na pwedeng pasyalan at pagdausan ng mga piging o' mahahalagang okasyon ng Bayan?
Anong Bayan na ang malaking "covered basketball court" ay inilipat sa isang Barangay sa halip na nakatayo sa mismong kabayanan?
Anong Bayan na naturingang Class "A" Municipality pero nahirapan o' nahihirapan makakuha ng "Seal of Good Local Governance" galing sa Department of the Interior and Local Government?
Anong Bayan ang Class "A" Municipality pero walang "tranparency and accountability"?
Alam ng mga tugang Bauangueño ang kasagutan ngunit ayaw alamin ng mga Bauangueñong nagbubulagbulagan at nagtutulog-tulogan.
Panahon na upang masapawan ng mga tuga ang mga hindi tugang Bauangueño upang ang nag-iisang kasagutan sa mga tanong ay tumiim sa isipan ng lahat ng mga Bauangueño at magkaisa tungo sa pagbabago ng Bauan.

Sino si Chito Mandanas?
DATING MASUGID NA TAGA SUPORTA, NGAYON AY KRITIKO NA.

Ako po ay dating tagasuporta at nagtatanggol pa kay Herminigildo J. Dolor sa mga bumabatikos at pumupuna sa kanya noong talunan pa at maging nang manalo na at hanggang sa ikalawa niyang termino. Noong talunan pa po siya, simple at mapagpakumbaba po siyang tao sampu ng mga anak niya na ang dalawang nakababata ay pareho na po ngayong pulitiko na kagaya niya. Nakumbinsi po ako ng kanyang pagkamasa at magandang mga plano noon sa Bauan. Magandang mga pangako na kinagat at pinaniwalaan ng maraming Bauangueño at isa ako doon.
Ito po ang ilan laang sa mga magaganda niyang pangako :
"Babaguhin ko ang pulitika sa Bauan. Pagkatapos ng eleksyon ay magiging magkakaibigan ang lahat. Walang titingnan at tititigan. Patas sa lahat ang gagawing pagtulong"
"Papagatin ko ang ang mga drug users at drug pushers. Tumago na sila sa kanilang pinanggalian at kakastiguhin ko sila".
"Wala ng Mayor na magmumura at magtutungayaw kagaya ni Ka Pakito Castillo".
"Hindi ko gagamitin sa pamumulitika ang Bauan General Hospital (dating Medicare kung tawagin), Bauan Technical High School, at lahat ng mga pag-aari ng Bauan"
"Hindi ko gagamitin sa pamumulitika ang pagbibigay ng pwesto sa palengke at pagbibigay ng prangkisa sa mga tricycle operators".
Pinaniwalaan at inasahan ng mas nakararaming Bauangueño si Herminigildo J. Dolor sa mga ipinangako at isa ako doon.
Pagkatapos ng unang termino at pagkapanalo niya ng "landslide" noong pangalawa niyang termino napansin ko na po ang malaking pagbabago sa katauhan nilang mag-aama at pagkalimot sa mga pangako sa sambayanang Bauangueño. Dito na po ako unti unting kumalas at sumama sa oposisyon at naging kritiko na ng Dolor. Ni isa sa mga pangakong nabanggit ay wala pong natupad.
Sa pagkakataon pong Ito ay mas lalo kong hinangaan si Atty Johnny Magboo sa kanyang paninindigan na manatiling oposisyon magpahanggang ngayon. Sa mga dating kasamahan ni Atty Johnny na naglipatan sa malambot na kama at sumapi sa Dolor, ang mga tugang Bauangueño na laang po ang maghuhusga sa kanila sa darating na Mayo 9, 2016. Kilalang kilala po ninyo sila....ang mga Dakilang Balimbing.
Ang akin pong pag-alis sa kampo ng Dolor at pagiging kritiko, ay patunay po laang na mas masarap pang mahiga sa matigas na sahig na kasama at katabi mo sa higaan ang mga nahihirapang Bauangueño kaysa lumipat at mahiga sa sobrang lambot na kama na ang mga kasama at katabi mo naman ay mga buwitre at buwaya.

Tuesday, November 10, 2015

Ang “salimpusa” ng Bauan

Hindi ko makakalimutan ang sinabi ni Mayor Ryanh Dolor na binigkas nya sa isang mamahayag at inilathala naman nito – na ako ay isang salimpusa. Kasunod ito ng lumabas na pahayag ko sa national tv noong Abril 14-16, 2015 pagkatapos paslangin ang aking kaibigang si Mei Magsino na sa aking tingin, may motibo ang mga Dinastiyang Dimacuha at Dolor sa krimen.  Naitanggi na nila yan sa magkahiwalay na pahayag sa media, kasama nga ang pagkutya sa akin ng punong bayan ng Bauan.

Kung iisipin  at pag-aaralan, at gaya ng madalas sabihin ng matatanda, sa sariling bibig nahuhuli  ang isda. Bakit sinabing isa akong salimpusa? Dahil ba itinuturing ng mga Dolor na isang usaping panloob sa Bauan ang pagpaslang kay Mei? Aba parang may mas malalim na kahulugan!

Ano bang ibig sabihin ng salimpusa? Ayon sa yahoo.com, “Salingpusa (pronounced as salimpusa by others) refers to an individual who is made a member of a group even though he or she does not possess all the requirements for membership. Derived from the words "sali" meaning to join and "pusa" meaning cat. "Pusa" acts here as a placeholder; any other noun could have been used. 

Later on salingpusa may have been Americanized to saling-cat. "Cat" when pronounced by Americans is "ket" so the term became "salingket", or modified later to salingkit.”

Kaya batay dito, masasabing ako ay tumuturing o maaaring may nagtuturing na isang Bauangeno bagama’t hindi taga Bauan.

Kaya hindi ko maiwasan ang magbalik-tanaw: Batang reporter pa man ako, malapit na ako sa mamamayan ng Bauan at San Pascual. Unahin natin ang San Pascual, kung saan naranasan ko ang makipanayam sa mga residente ng Poblacion sa gitna ng dilim noong panahong pinutulan sila ng ilaw ng dating Mayor Mario  Magsaysay dahil kontra sila dito. Sa takot na mag makaalam na may isang reporter sa lugar, nagatyaga kami sa isang madilim na sulok upang pag-usapan ang kanilang hinaing. Matapos ko itong maiulat nang walang binabanggit na pangalan kungdi nagparinig lamang ng mga boses ng taumbayan, galit na galit sa akin ang dating mayor. Sumugod sa himpilan ng radio at nagpa-interview upang ibigay ang kanyang panig.

Sa Bauan naman, hindi ko na masyadong maalala ang isyung pambayan na naging dahilan ng pag-aaway namin ni dating Mayor Pakito Castillo. Ang natatandaan ko, pabalagbag nya akong sinagot sa interview sa opisina nya (noon tanging si Raneo Abu ang konsehal na oposisyon na walang magawa sa matapang na alkalde; kay bilis lumipas ng panahon, si Raneo na ngayon ang naghahari kasama ng mga Dolor!).

Kinabukasan  iniulat ko sa radyo ang pangyayari at ipinakita ang panig ng taumbayan. Galit na galit si Ka Pakito na tumawag at sinagot ako ng live sa radyo na pagalit. Pero sa halip na ako ay maniklop-tuhod, sinagit ko sya na “wag nya akong tatakutin dahil hindi ako taga-Bauan (ibig ko ipasaring na tanging mga taga-Bauan lang ang hindi  kayang tumindig sa kanya). Mahabang kwento, pero natapos sa isang pagkakaibigan namin ni Ka Pakito. Hindi ko makakalimutang  binigyan pa nya ako ng may personal dedication na librong The Mysteries of Taal by Thomas R. Hargrove, na  naglalarawan ng makulay na kasaysayan at kultura ng Bauan, mula pa noong panahong ito ay nasa lugar na ngayon ay nasa ilalim na ng Taal Lake.

Ang pinaka di ko malilimutang pangyayari ay noong maging panauhin ko sa cable TV program ko ng sabay sina Ka Pakito at Mayor Magsaysay. Katindihan noon ng boundary dispute ng dalawang bayan, at dahil abogado at talagang mas mahusay sa diskurso, inilampaso ni Ka Pakito si Magsaysay.

Sa tuwa, humingi ng kopya ng aking programa at ipinalabas sa lahat ng barangay ng Bauan. Kaya maski sa mga lugar na walang serbisyo ng CATV, nakita ang aking programa.

Samakatwid, hind ko masisisi si Ryanh Dolor na sabihing ako ay isang salimpusa dahil WALA NAMAN SYANG ALAM sa kwento ng aking mahabang romance with Bauan. (Speaking of romance, muntik na rin akong maging Bauangeno sapagkat nagka-nobya ako ng taga Lacorrea St. noong araw).

Kaya useless o walang saysay sa akin kung sabihing salimpusa ako. At lalong walang saysay  na takutin ako dahil “nakikiaalam” ako sa Bauan, gaya ng ginagawa ng ilan sa facebook. Sisihin  nyo ang mga nagpapatay kay Mei Magsino kung bakit ako narito ngayon.  Dahil siguro sa isang pahimakas, ginawa nya akong isa  sa mga admin ng pahinang TAGA BAUAN, BATANGAS KA KUNG…, dahil naramdaman nya na may kailangang maiwan at magpatuloy ng kanyang nasimulan – ang KRUSADA  NG PAGBABAGO SA  BAUAN.


Hangga’t nandyan ang dinastiya na kung turingin ang bayan ay kaharian at pag-aari  nila (gaya ng Evil Empire), marami ang susunod sa mga simulain namin ni Mei. Darating at darating ang takdang panahon na lalagutin ng suklam ng taumbayan ang mga buktot na pamunuan.

Huwag nang magtaka na ang salimpusa ay madaling naakit sa tambalang Johnny-Guding, dahil kabaligtaran sila ng mag-amang naghahari-harian sa Bauan sa loob ng 18 taon.

Tuesday, October 13, 2015

Drawing the lines between Good and Evil in Batangas: The Tale of 3 candidates: a missed leader, a self-confessed politically-naïve single mom beating the odds of a well-entrenched dynasty and former in-laws, and a persistent knight against a political monster

In the next weeks and months, we will be bombarded with all sorts of political propaganda.  Candidates  will  do  everything to  win our votes, and those with personal  axes  to  grind  will  surely come  up with  all  sorts  of issues  against candidates, while the sycophants will heap empty praises  to their  candidates with an  expectation  to get favors  once their  bets  win. Realistically that is what election seasons bring about - an artificial euphoria of sorts. Then when the elections smoke is gone, we are confronted with the reality that we voted into office idiots, incompetents, corrupt and undeserving people.

As   an independent writer/observer, it is my distinct advantage of being free from any political or personal affiliations with these candidates. I can say what I want, express what I observe and give personal judgement.  Though I have also taken it as my duty as a citizen to share my thoughts. In the first place, I am a graduate of Political Science at the University of Batangas (though I have doubts that it even recognizes me as an alumnus).

Kaya maaga pa po, ibinabahagi ko na  ang sa aking palagay  ay mga  natatanging kandidato na may dalang magandang kinabukasan sa bayan:

Batangas Province


Dodo MANDANAS
Umpisahan  natin  kay dating Gob. Hermilando  “Dodo” I. Mandanas or HIM for short. Hindi Ito Magnanakaw, Hindi Ito Mamamatay-tao, and lalong Hindi Ito Magkakandili ng droga.
Kumakandidatong mag-isa (walang partido at walang bitbit na ibang kandidato), sinabi nya na mas mabuti na ang hindi makasama ng mga may bahid dungis na partido.
Hindi malilimutan ng marami ang kanyang mga programa na pinakinabangan ng libu-libong mag-aaral sa kanyang scholarship program. Maski  sa pribadong kapasidad, matagal na nagsilbi  ang kanyang Batangas Social Development Foundation (BSDF) na nakabase noon sa Aplaya, Bauan.  Dinayo ng marami ang kanyang lumang bahay sa Aplaya, kumita maski maliliit na tindahan sa mga bisita. Sa mismong Aplaya, nagpagawa sya ng mga  silid-aralan, pinakamalaking covered court, ipinaayos ang mga kalsada, nagpagawa ng sea wall, at mga medical missions.


Bilang Gobernador, pinakikinabangan pa ng Lalawigan ang mga programang pangkaunlarang kanyang nasimulan, mga development master plans na patuloy na nagpapatatag sa economic foundation ng Lalawigan. Ang mga pagawaing-bayan na nanatiling nagbibigay ginhawa   sa mga liblib   na lugar, at ang mga hinahanap-hanap na mga serbisyong medikal at panlipunan  na bukas sa lahat ng tao. (Naaalala nyo pa ang People’s Day at the Capitol  tuwing Lunes?) Maraming ang naghahanap ng ganyang pagkalinga mula sa isang puno ng lalawigan – yung lider na personal mong nakakaharap, di man magawang pagbigyan ang lahat ng kahilingan.

Ang campaign  tagline ni Ka  Dodo ay  “Walang Kurap, walang mahirap. Pag ang puno ay kurap, mamamayan maghihirap.”

Pero  marami ang may  mga saloobin laban kay  Ka Dodo, subalit  kung  pakikinggan  mukhang nagmumula sa  mga personal na pabor na hindi  napagbigyan.  Ngunit  tanungin mo, kung  may masama  bang nagawa sa bayan, wala namang maituro. 
Kung  pansarili  ko  lang, pwede ko  na ring  sabihing may  rin sama ako ng loob sa kanya. Hindi dahil may hiningi  akong hindi naibigay,  kungdi  sama   ng loob  na sya ay nagpalaki  at tumulong  sa  mga  taong  walang  utang na loob, kagaya  ni  Rep. Raneo Abu  (wala namang mararating yan kung hindi itinaya  ni Ka Dodo ang  kanyang  pangalan sa kanya). Subalit ngayon nasaan  na si  Abu  at ilang tauhan  ni Ka Dodo? Ang balita  ko pinagpaplanuhan  pang ilaglag  sya sa sariling tinubuang barangay sa Aplaya, Bauan. Bunga  ito  ng pikit  matang  pagsuporta  ni Abu  sa Dinastiyang  Dolor ng Bauan kung saan sya ay manugang sa pamangkin.

Batangas City


Kristine  BALMES
Si Maria Kristine Josefina G. Balmes, dating manugang ng puno ng Dinastiyang Dimacuha, ina ng nag-iisang anak kay Barangay Captain Dondon Dimacuha (dating Mayor at Konsehal, ngayon ay ABC President kaya ex-officio Konsehal ulit dahil patuloy na nirere-recycle ng dinastiya), pagkatapos humiwalay sa kanyang asawa at magising sa sitwasyong panlipunan at pampulitika ng Lungsod, tumakbo at nanalong Konsehal noong 2013 (ikalawang pagbabalik, dahil konsehala din sya noong masungkit ni Dondon).

Nagsisilbing de facto leader ng oposisyon, pinatunayan ang liderato sa pamamagitan ng pagsusulong ng mga pagbabago at pagkiling sa mga usaping maliwanag na taliwas sa lahat ng gusto ng dinastiya, kagaya ng pagtutol sa mga kwestyunableng paglulubog sa utang sa pamahalaang lungsod para umano sa mga proyektong kaduda-duda, mga kontratang malinaw na “disadvantageous” o argabyado  ang mamamayan gaya ng PPP sa terminal sa Balagtas, likong pamamahala (by proxy, maling priorities, may pansariling interes gaya ng EBD cards gamit ay pondo ng gobyerno, atbp), mga karahasang nagaganap sa Lungsod kabilang na ang pagpatay sa mga kalaban at kritiko ng dinastiya (personal na nakiramay at nagsalita si Kristine sa libing ni Mei Magsino, mahigpit na kritiko ni Dimacuha), mga usapin ngn pagkiling sa mga kumpanyang sumisira sa kalikasan at hindi nagbabayad ng buwis gaya ng JG Summit Petrochem at pagtatayo nito ng plantang gagamit ng uling (coal).

Tatakbo bilang Mayor, isang babae, walang masasabing 3G’s (gold, guns and gold), subalit naniniwalang ito na ang PANAHON NG PAGBABAGO.

In the guise of Private-Public Partnership (PPP), it now now turns out to be Punyetang Pamemera sa Pamamahala
Ang plataporma ni Kristine, malinaw na pagtalikod sa nakakasuka nang landas na tinahak ng Lungsod sa loob ng 28 taon – “will center on pursuing political and development reforms through the active participation of our citizen and by establishing inclusive growth. My goal is to create more jobs and offer sustainable livelihood projects for our people, help provide education to all deserving students, establish a universal health care program, more suitable for our constituents, and conceptualize a master plan that will address issues on urban planning and development. I would also like to promote a more transparent, red tape free and God-fearing government that respects the environment, natural resources and our people. Tourism will also be greatly improved. And lastly, restore the discipline, respect for others and care for humanity among our people.”

Bauan, Batangas


Former councilor and vicemayor, opposition  leader Atty. Juan “Johnny”  Magboo will make another attempt to unseat the Dolor  dynasty.

Ang kanyang ibangon ang Bauan upang MAGBOO  ng panibagong bukas sa nalugmok  na dating 1st class na  bayan ng Bauan ay isang malaking hamon. Hawak ng dinastiyang Dolor ang Bauan sa  mahigit 18 taon, na  inumpisahan ng ama na si ex-Mayor  Hermie Dolor (ngayon  ay ex-officio Bokal bilang Pangulo ng Association of Barangay Councils ng Lalawigan). Kasalukuyang nakaupo ang kanyang  anak na si Ryanh bilang mayor na nasa huling termino na.   Kaya  kagaya  ng gawain  ng alinmang dinastiya,  magre-recycle ulit ng basura, at ngayon muling lalaban   ang dynasty founder na  si  Hermie Dolor, bilang Mayor.

Johnny  MAGBOO
The Dolor dynasty is characterized by  a typical story of political abuse that  should have no place in a modern democracy.  Nakapagtatakang  ito ay  hindi napapansin ng  media gayong napakalapit lamang sa  kabihasnan. Maging mga mamamayan  ay natatakot magsalita, at mangilan-ngilan  lamang ang naglalakas-loob, kabilang  na si Johnny Magboo.

Ilan sa mga usaping matagal  na  nyang tinawag  ang pansin  ng publiko  ay ang mga sumusunod:
  • 1.    Ang pag-utang ng Pamahalaang Bayan ng P150 million sa Comnet Management Inc.
  • 2.    Ang pagsasanla sa Pamilihang Bayan sa Comnet Management Inc.
  • 3.    Ang pagsira sa plaza at pagpayag na gawing commercial building (Bauan Plaza  Hotel)  ang bahagi nito ng Comnet Management Inc.
  • 4.    Ang planong gibain ang Bauan East Central School para gawing terminal sa  pamamahala ng Comnet Management Inc.
  • 5.    Ang pagbenta ng Bauan Waterworks System sa Aquadata na nagresulta sa mataas na singil
  • 6.    Ang pagbenta sa Bauan Electric System sa First Bay Power Corp.
  • 7.    Ang 5 taon nang sinirang munisipyo na bagama’t may plano na  raw pasinayaan  (timing sa halalan) ay  kakatwa  sapagkat ang Bauan  na  isang maunlad na bayan ay natatanging walang sariling munisipyo

Bukod pa dyan  ang  maraming samut-saring isyu tulad ng laganap na patayan na halos hindi nababalita, mga alegasyon ng katiwalian sa mga transakyon ng pamahalaang bayan, alegasyon ng pagpapayaman sa sarili  (pagbili  ng rest house, bahay at mamahaling sasakyan) ng pamilya ng namumuno,  at pag-abuso  sa mga  tao  (pananakot,   pagmumura at pagtutungayaw).

Ayon  sa Commission on Audit Report na isinalin  sa wikang Filipino ni G. Chito Mandanas  (dating kaalyado  ng mga Dolor):
Ang pagkabenta Bauan Waterworks system at lahat ng mga pag-aari nito sa Aquadata Incorporated ay taliwas sa isinasaad ng Section 379 & 380 ng Republic Act 7160, at hindi ito makakabuti sa interes ng Bayan. Habang nakabinbin pa ang patakaran ng COA Head Office sa legalidad ng kontrata ng bentahan ay inerekomenda ng Audit team, na ang Mayor ng Bauan ay dapat hihingi muna ng pagsang-ayon ng COA sa bawat bentahan ng kahit anong pag-aari ng Munisipyo sa mga susunod na pagkakataon para masiguro na hindi agrabyado ang mga mamamayan, manapa'y kapakipakinabang dapat para maprotektahan ang interes at kapakanan ng mga Bauangueño.
Ang kontrata sa kasunduan sa pagitan ng Bayan ng Bauan at Comnet Management Corporation para sa pagpapaupa ng 1,734 metro kuwadrado na lupa na pag-aari ng Bauan ay lumabag sa "Section 198 of the Rules and Regulations on Supply & Property Management in the Local Government" na nakasaad sa ilalim ng "COA Circular No. 92-386" na may petsang Oktubre 20, 1992. Napag-alaman din na ang mga kundisyones na nakasaad sa kasunduan ay hindi naaayon sa interes o' kapakanan ng Bauan kung saan pwedeng may nakaambang pagkawala ng napakahalagang lupa ng Bayan na maaaring magbunga ng katampalasanan sa sambayanang Bauangueño.”

Magboo, like   Kristine, is a symbol of  CHANGE. They are both up  against  well-entrenched, powerful  and at times, violent politicians.  Ka  Dodo, meanwhile  is up against  traditional politics,  where parties  and machineries work to  place their  people  and  own   kind  and  perpetuate  a  political system that makes people powerless,  and enriches  those  in power.


AASA NA LAMANG TAYO NA ANG TAUMBAYAN,  bagama’t saklot ng takot  ay  MANININDIGAN SA BALOTA.